Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binatilyo hinostage ng sariling ama

0 61

Mismong ama ang nang-hostage sa 13-anyos na binatilyo nang maburyong ito matapos umanong layasan ng kanyang misis na kanyang sinaktan Sabado ng gabi sa Tandag City, Surigao del Sur.

Ligtas naman at nasa maayos na kalagayan ang binatilyo na biktima sa tulong na ng pakikipag-usap ng pulisya at ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel.

Ayon kay Pimentel, dating pulis ang suspek na sadyang hindi na pinangalanan ng pulisya. Patong-patong na problema umano sa pamilya ang dahilan kung bakit nagawa ng tatay na i-hostage ang kanyang sariling anak ayon pa kay Pimental sa isang panayam.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nag-away iyan sila ng asawa niya at ginulpi niya ata ang asawa niya pati ‘yong anak niya. Kaya lumayas ‘yong asawa niya at hinostage niya ngayon yung kanyang anak,” panayam kay Pimentel.

Kwento pa ng gobernador, unang namatay ang anak na babae ng suspek dahil sa dengue at ito ang sinisisi ng pamilya sa pangyayari dagdag pa ang pag-aaway nila ng kanyang asawa dahilan upang lumayas ito, kaya umano tila nawala sa sariling pag-iisp dahil sa problema at nagawa ang pag-hostage. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.