Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binatilyo tapyas-ulo sa elise ng bangka

0 54

Nasawi ang isang 14-anyos na lalaki matapos mahulog sa bangka at tamaan ng elise nito sa Perez, Quezon, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ronnel Pelin, residente ng Brgy. Pagkakaisa.

Ayon sa Perez Police, papauwi na ang biktima kasama ang dalawang kaibigan at sakay sa motorbanca galing sa isang picnic nang mahulog siya habang nakatayo sa unahang bahagi ng bangka sa may bahagi ng karagatan ng Brgy. Pagkakaisa, Perez.

SM food to go Banner Ad

Subalit dahil mabilis ang takbo ng bangka, nahagip ng elise nito si Pelin at tinamaan sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Mabilis siyang sinagip ng mga kasama at itinakbo sa Alabat Island District Hospital subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.