Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binatilyo tepok sa TikTok

0 74

Tustado ang isang lalaking menor de edad matapos mangisay sa nahawakang live wire makaraang naghahanap lamang ng signal ng cellphone para makapag-TikTok ang dumayo pa sa Sea Wall, Brgy. Flores, Catmon, Cebu, Sabado ng gabi.

Dead on arrival na sa pagamutan sa Sogod, Cebu ang biktima na 17-anyos, residente ng Sitio Tabok, Brgy. Macaas, Catmon.

Ayon kay Police Corporal Gemar Arigo, imbestigador ng Catmon Police Station, alas-10:30 ng gabi ng Biyernes, nang magkaayaan ang magkakaibigan kabilang ang dalawang babae at tatlong lalaki na dumayo sa Sea Wall, Brgy. Flores dahil malakas umano ang signal sa cellphone doon para makapag-Facebook na sila at mag-TikTok.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagkadating sa Sea Wall ay nagkanya-kanya na ang magkakaibigan sa hawak nilang cellphone para magamit ang malakas na signal.

Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay aksidenteng napahawak si Tanjay sa live wire at agad na nangisay.

Agad silang humingi ng tulong at nadala ang biktima sa kalapit na bayan subalit hindi na umabot pa nang buhay si Tanjay dahil sa lakas ng boltahe na pumasok sa kanyang katawan na agaran nitong ikinamatay. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.