Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binay aprub sa face to face class

0 402

Sinuportahan ni Senador Nancy Binay ang pagbabalik ng face to face class sa ilang piling lugar sa bansa, lalo na ang mga walang kaso ng COVID-19.

Sa panayam sa `Balitaan at Kamustahan’ ni Jon Ibanez sa Politiko Live, sinabi ni Binay na napag-iiwanan na ang mga estudyanteng Pinoy sa mga kapitbahay sa Asya.

“Isa tayo sa nakiusap sa limited face to face classes,” sabi ni Binay.

Para kay Binay, mainam pa rin ang magkaharap ang mga estudyante at guro para mas maintindihan ang mga asignatura.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paniwala ng senador, kung isa o dalawang beses lang kada linggo at 10 o 15 mag-aaral lamang sa bawat silid-aralan ay makakaiwas sa CVID-19.

Puwede rin aniyang gawin sa mga covered court ang klase.

Pero aminado si Binay na hindi dapat madaliin ang panukalang face to face class at dapat pag-aralan ng husto sa mga pilot area dahil may ibang mga sitwayson na kailangang ikonsidera tulad ng pagbiyahe papunta sa eskuwelahan.

“Huwag lang madaliin. Dapat seryosong pag-aralan itong mga ito. Madaling isulat sa papel na ganito at ganyan pero implementation dapat kakayanin,” sabi ni Binay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.