Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binay binira Comelec sa paandar ng PDP

0 64

Binanatan ni Senador Nancy Binay yang Commission on Elections (Comelec) dahil sa espesyal na pagtrato umano nito sa mga kandidato ng PDP-Laban mula sa paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

“Napaka-unfair naman,” himutok ni Binay.

Pinuna ng senador ang umano’y pagbibigay ng Comelec ng special treatment sa mga kandidato ng administrasyon nang maghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) kahapon.

“@COMELEC Do you really have to give special preference to the PDP-Cusi Wing? Napaka-unfair naman. We followed your rules sa Sofitel Tent, then you accommodated the candidates of PDP and broke your own rules?” palag ni Binay.

“If you can’t be fair & impartial, then what will #Halalan2022 be like?” dagdag ng senador.

Ayon kay Binay, halos lahat ng protocol ng Comelec ay nilabag umano ng mga kandidato ng PDP-Laban tulad ng three-person limit rule, physical distancing at health clearance requirement. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.