Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binay-Campos nahalal sa gymnastics

0 124

Muling nahalal sa kanyang ikatlong dikit na termino si Cynthia Carrion bilang presidente ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) nitong Huwebes ng hapon.

Isinagawa ang eleksiyon ng mga bagong opisyal sa pamamagitan ng online conference na dinaluhan ni Philippine Olympic Committee (POC) representative Bones Floro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nanalong vice president si Jude Turcuato ng PLDT Sports, secretary general si Sondhya Tayag at treasurer si Myrna Yao.

Board of Directors sina John Arenas, Rebecca Wata, Susan Talingting, Arnold Labadan at Makati Mayor Mar-len Abbigail Binay-Campos.

Binuo din ng GAP ang mga komite kung saan pamumunuan ni Labadan ang Technical and Judging, si Talingting ang Athletes and Coaches Development, sa Ethics and Arbitration si Wata, sa Marketing, Promotion and Business si Turcuato st si Binay-Campos sa Education and Training. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.