Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binay: DOH palpak kaya lockdown pa rin tayo

0 145

Kinastigo ni Senador Nancy Binay ang Department of Health (DOH) kasunod ng pahayag nito na wala umanong sapat na ebidensya na ang mga turistang Chinese ang dahilan ng pagpasok at pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Pinaalalahan ni Binay ang DOH na noong Enero, dalawang turistang Chinese mula sa Wuhan City ang unang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Aniya, “Seryoso?! So, ‘di pala sa turistang Chinese galing ang COVID sa Pilipinas. But would the DOH be willing to explain to us kung sino ang nagdala at kung paano nakalusot ang COVID sa atin?”

Dagdag nito, “By saying na ‘di sapat ang ebidensya na galing sa Chinese tourists’ ang COVID is practically admitting that they are a failure in contact tracing–which explains why they failed to stem the spread of the virus–and continue to be so.”

Giit pa nito, “It’s so hard to understand why until now the DOH would downplay things specially when it comes to China. Kaya tayo nasa sitwasyong ito ngayon ay dahil ‘di pinakinggan ng DOH ‘yung rekomendasyong i-ban ang pagpasok ng mga Chinese national noong January pa lang,” ani Binay.

“’Yung ibang bansa nasa pagpaplano na ng sistema sa distribution ng bakuna, samantalang tayo ‘di pa nakakausad sa lockdown at contact tracing,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.