Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binay umanib sa Lacson-Sotto

0 85

Nakipagkita ang kampo nina Senator Panfilo `Ping’ Lacson at Senate President Vicente ` Tito’ Sotto III kay dating vice president Jejomar Binay sa Makati City kahapon, Oktubre 4.

Kasama sa pagpupulong sina Senator Nancy Binay, dating LPGMA party-list Rep. Arnel Ty at dating GSIS president Clint Aranas.

Tatakbo ang dating bise president sa pagka-senador sa 2022 elections sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) subalit guest senatorial candidate ito ng Partido Reporma.

SM food to go Banner Ad

Si Lacson, na tatakbo sa pagka-pangulo ang chairperson ng Partido Reporma.

Magiging running mate ni Lacson si Sotto na chairperson naman ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Pinaniniwalaang lalo pang lalawak ang makukuhang suporta at magiging malakas na pambato sina Lacson at Sotto ng mga nabanggit na partidong nagsanib-puwersa para sa 2022 elections. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.