Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binga, Ambuklao, Magat Dam nagpakawala

0 162

Binuksan ang mga gate ng tatlong dam sa Luzon habang kasagsagan ng bagyong `Ulysses’ para makalabas ang naiipong tubig at maiwasan ang pag-apaw nito.

Ito ang nabatid kay Richard Orendain, hydrologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa panayam sa radyo nitong Huwebes.

SM food to go Banner Ad

Aniya, anim na gate ng Binga Dam sa Benguet ang binuksan alas-nuwebe ng umaga matapos na makapagtala ito ng water level na 572.12 meter bandang alas-otso ng umaga.

Walong gate naman ang binuksan sa Ambuklao Dam sa Benguet din matapos na maitala ang water level nito sa 751.42 meter dakong alas-otso ng umaga.

Sa Angat Dam sa Bulacan ay isang gate ang binuksan ala-una ng hapon. Umabot umano sa 211 meter ang water level ng Angat Dam na mas mataas sa normal na antas nitong 210 meter.

Leave A Reply

Your email address will not be published.