Abante Tonite Interactive

Binging New Yorker nagreklamo: 3 porno website walang subtitle

352

Isang lalaking may kapansanan sa pandinig ang nagsampa ng class action lawsuit laban sa tatlong pornographic website dahil sa hindi paglalagay ng subtitle sa kanilang mga palabas.

Isinampa ng New Yorker na si Yaroslav Suris ang kaso sa Brooklyn fede­ral court laban sa Pornhub, Redtube at YouPorn ganundin ang kanilang pa­rent company na MindGeek.

Iginiit ni Suris na nilabag ng mga nabanggit na porno website ang Ame­ricans with Disabilities Act, isang batas laban sa diskriminasyon.

Katuwiran ni Suris na hindi niya ma-enjoy ang panonood sa mga nasabing website dahil walang subtitle ang mga palabas.

Bukod sa paglalagay ng subtitle, humihingi rin ng kabayaran si Suris na hindi binanggit kung magkano.

Giit naman ni Pornhub Vice President Corey Price na may subtitle ang kanilang website at binigay pa ang ‘link’ nito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsampa ng nasabing kaso si Suris.

Dati kinasuhan din niya ang Fox News dahil sa kawalan ng subtitle kaya mahihirapan aniya ang mga katulad niyang bingi na ma-enjoy ang pinapanood.