Abante Tonite Interactive

Bingo Boutique sa Valenzuela hinoldap

By
2,251

Pinasok ng apat na lalaking mga armado ng maiiksing baril at hinoldap ang isang sangay ng Bingo Boutique sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Sa panayam kay SPO3 Ray Bragado ng Station Investigation Unit, pasado alas-dos ng madaling-araw nang pasukin ng mga suspek ang Bingo Boutique sa No. 242 Manly Building, MacArthur Highway, Brgy. Dalandanan, sa nasabing lungsod.

Tatlo ang pumasok sa loob ng mini-casino habang nagsilbing ‘lookout’ ang isa pa.

Tinutukan agad ng baril ang security guard na si Darwin Gaman at kinuha ang kalibre 9mm na service firearm nito samantalang dumeretso ang dalawa pang suspek sa kaha at kinuha ang mahigit P190,000.

Bubuksan pa sana ng mga kawatan ang mga slot machine upang makuha ang pera sa loob pero hindi nila nakuha ang mga susi nito.

Hindi nahagip sa CCTV ang sasakyang gamit ng mga suspek sa pagtakas.