Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bingwit ang girl: Hunk actor tigil sa regalo

0 550

Sa umpisa lang kuno magaling magregalo ang isang kilalang male personality. Habang nanliligaw pa lang siya ay namumuhunan ang guy, regalo nang regalo sa girl, pero kapag napasagot na niya ito ay iba na ang kuwento.

At nagreregalo rin ang pamosong male personality sa pamilya ng babae, nililigawan niya sina daddy at mommy, magaling siyang umatake.

Kuwento ng aming source, “Pero sa start lang ‘yun! Habang nanliligaw pa lang siya. Sagana sa regalong flowers at stuffed toys ang girl, pero kapag nakuha na niya ang gusto niya, e, nagiging stop toys na ‘yun!

“Hanggang sa umpisa lang siya, talagang namumuhunan siya,nagpapakitang-gilas, best foot forward talaga ang ginagawa niya,” natatawang kuwento ng aming impormante.

Pero hindi naman pala siya agad-agad pumepreno sa pagreregalo, medya-medya naman ang ginagawa niya, hanggang sa wala na talaga kapag nakakailang buwan na silang magkarelasyon.

Patuloy ng aming source, “Alam n’yo naman, nasanay na ang guy na siya ang nireregaluhan at hindi siya ang nagreregalo! Kailangan ba naman niyang regaluhan ang mga becki?

“Siyempre naman, siya ang binubusog ng mga regalo, siya ang bulong nang bulong sa mga becking nakakachurvahan niya, di ba naman?

“Hindi niya naman pinagkagastusan ang kung anumang mga meron siya ngayon, gibsung lang ‘yun sa kanya ng mga becking minsan, isang panahon, e, naka-close niya! Naka-close daw, o!

“At pinatunayan na ng mga ex niya ang ugali ng male personality, hanggang sa umpisa lang talaga siya, hanggang sa arangkada lang, pero kapag nagetlak na niya ang girl, goodbye na siya sa panunuyo at pagreregalo.

“Kaya ang girl niya ngayon na itinatagu-tago pa siya, naku, kung nasanay ang girl sa pagreregalo ng guy nu’ng una, e, huwag siyang umasang magiging ganu’n na ang BF niya hanggang sa huli!

“Baka mabaligtad na ang kuwento, ang girl na ang palaging magreregalo sa guy na sanay na sanay na sa buhay! Sigurado ‘yun! Magaling ang hunk actor na ito!” pailing-iling na pagtatapos ng aming impormante.

Lani nalason

Matagal nang hindi nauupo bilang hurado ng The Clash si Lani Misalucha. Ang nakakasama ngayon nina Ai Ai delas Alas at Christian Bautista ay si Pops Fernandez.

Maraming nag-isip na bumalik na sa Las Vegas si Lani at ang kanyang mister na si Noli, mula kasi nang mag-lockdown ay hindi na sila nakauuwi, pero hindi ganu’n ang nangyari.

Agad na lumutang ang kuwentong nagkaroon ng COVID-19 ang mag-asawa, isang fake news, dahil ang totoong dahilan ng kanilang pagkakaospital ay food poisoning.

Matindi ang umatakeng bacterial infection sa mag-asawa, hindi ordinaryong pagkalason ‘yun na ilang araw lang ay magaling na sila agad, kailangan ang masusing gamutan para siguradong ligtas na ligtas na sila.

Ayon sa aming source, hanggang sa finals ng The Clash ay si Pops na ang hahalili kay Lani, kailangan pa nilang magpahinga ni Noli, babawi sila ng lakas sa inabot nilang food poisoning.

Sa mga hindi pa nakakaalam, mula nu’ng lockdown ay sa bahay na ni Willie Revillame nakatira ang mag-asawa, si Willie mismo ang nag-alok kina Lani at Noli na sa isang bahay na nito sila manirahan dahil napakalaki ng nagagastos nila sa hotel na tinutuluyan nila.

Magkaibigan sina Willie at Lani, matagal na ang kanilang pinagsamahan, napakalaking bagay para sa Asia’s Nightingale ang pagmamagandang-loob sa kanila ni Willie.

Kuwento ng isang kaibigan naming madalas makakita kay Lani sa Las Vegas habang naggo-grocery, “Grabe si Lani, napaka-hands-on wife and mom siya. Talagang siya ang naggo-grocery, simpleng-sinple lang siya, pero kapag nasa entablado na, halimaw si Lani Misalucha, napakagaling niyang performer!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.