Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BINI 792K views na ang music video

0 144

NI: ROLDAN CASTRO

Mainit ang pagtanggap ng mga fan sa palaban at mas confident na BINI dahil humakot agad ng libo-libong views ang music video ng “Born to Win.” Ito ang opisyal na debut single nila na inilabas kasabay ng official launch nila bilang isang girl group .

Sa ngayon, mayroon nang higit sa 792,000 views sa YouTube ang music video ng “Born to Win” at naging trending sa Pilipinas pagkatapos itong i-release. Nakakuha rin ito ng higit sa 200,000 views sa loob lamang ng 24 oras.

Ang “Born to Win” ay isang electronic-pop song tungkol sa walang takot na pagharap sa anumang hamon ng buhay. Patok sa mga fan at inulan ng maraming papuri ang kakaibang music video nito kung saan makikita ang mga miyembrong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena. Kumakanta sila at sumasayaw suot ang iba’t ibang engrandeng damit.

Patuloy rin sa paggawa ng ingay ang BINI.

Ipinakilala ng BINI ang palabang look at tunog nila sa kanilang opisyal na grand launch bilang grupo sa KTX.PH.

Napanood sa launch ang pagrampa ng grupo ang iba’t ibang espesyal na mga disenyo na nilikha ng sikat na Filipino designer na si Francis Libiran at pagpasiklab sa performance nila ng “Da Coconut Nut” at “Born to Win.”

Nagpakitang gilas din ang girls sa iba’t ibang song and dance numbers – sina Gwen at Sheena sa performance nila ng “Tagu-Taguan” ni KZ Tandingan, sina Colet, Jhoanna, at Maloi sa pagbirit nila ng “Biyaya” ni Janine Berdin, at sina Aiah, Stacey, at Mikha sa orihinal nilang kantang “World War C,” na layuning magbigay-inspirasyon sa mga tao ngayong pandemya.

Sa naturang launch, napanood din ng mga fan ang mga pinagdaanan ng mga miyembro bago mabuo bilang grupo, kabilang na ang puspusang training nila sa ilalim ng Star Hunt Academy ng ABS-CBN.

Maraming pang dapat abangan ang fans ng BINI o BLOOM ngayong taon dahil bukod sa release ng kanilang full debut album at iba’t ibang bersyon ng “Born to Win” sa wikang Japanese, Spanish, Thai, at Bahasa, magkakaroon din sila ng concert kasama ang brother group nilang BGYO.

Abangan ang mga bagong pasabog ng BINI at sundan ang BINI_ph sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok, at mag-subscribe na sa official YouTube channel nilang BINI TV.

Leave A Reply

Your email address will not be published.