Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binidyo naliligong kapitbahay, bosero kulong

0 660

HULI ang isang lalaki habang aktong binobosohan ang kapitbahay na babae gamit ang cellphone camera habang naliligo sa Echague, Isabela noong Lunes.

Kinilala ng Echague Police Station (EPS) ang suspek sa pangalang Tomas, 32, (hindi tunay na pangalan), ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Echague Police Station (EPS), ayon na rin sa testimonya ng biktima na itinago sa pangalang “Charo”, kapitbahay ng 32-anyos na suspek, kasalukuyan siyang naliligo nang maramdamang may kumaluskos sa likod ng banyo.

Dito, nakita ni Charo ang suspek na kinukunan siya ng video, gamit ang kanyang cellphone. Agad niyang inagaw ang cellphone ng suspek, na kumaripas ng takbo.

Agad na humingi ng tulong si Charo kaya dinakip ang suspek.

Ayon sa pulis, lumabas sa kanyang cellphone na hindi lang yun ang unang pagkakataon na binosohan niya ang biktima.

Nakuha din ng mga otoridad ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa suspek. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.