Abante Tonite Interactive

Binigyan ako ng relo ng taong ‘di ko kilala

440

Nanaginip akong nagsu-swimming daw ako nang may lumapit sa akin na lalaki at nagpatulong dahil nawala sa tubig ang kanyang relo.

Tinulungan ko siyang maghanap at nang makita ko ang relo ay ibinigay na lamang niya ito sa akin. Habang nakatingin ako sa relo, nagising na ako.

 Lahat ng panaginip sa relo ay tungkol sa paglipas ng oras. Sa iyong panaginip, ikaw ang nakahanap ng relo kaya ibinigay  ito sa iyo.

Abante Hiring – IT dep

Kung ikokonek sa aktuwal na buhay, nangangahulugan itong kontrolado mo ang nangyayari sa iyong buhay. Confident ka sa anumang nangyayari.

Hinanap mo ang relo at hindi ka nabigo na puwedeng ipakahulugan na wala kang nararamdamang pressure sa buhay mo.

Nasa relax mode ka na kahit nagsu-swimming ka ay nagawa mo pang maghanap ng relo ng isang taong hindi mo kakilala.

Related Posts

At dahil ibinigay niya sa iyo ang relo, sumisimbolo rin ito sa mga positibo pang pangyayari na maaaring dumating sa iyong buhay.

Sa panaginip mo ay nakatitig ka sa relo, natandaan mo ba kung ano ang oras na nakita mo?

Sa isang lumang paniniwala ay sinasabing kapag naging 11:11 ang oras na nakita mo ay good news daw ang katapat nito.

Pero dahil wala ka namang binanggit na oras, posibleng hindi mo natandaan ang oras sa iyong panaginip sa halip ay nagkaroon lamang sa iyo ng malaking impact na nabigyan ka ng relo ng isang taong hindi mo naman kilala.

Dahil nakatitig ka sa relo nang ikaw ay magising, nangahulugan itong sa mga nagdaang araw ay may nakumpleto kang trabaho at nabigyan ka o maaaring naghihintay pa lamang ng sa iyong palagay ay well-deserve na pabuya o kabayaran sa iyong nagawa.

Kung sa panaginip mo ay nakita mo ang kamay ng relo, posibleng itinuturo ka nito sa isang direksyon at doon mo dapat ituon ang iyong oras dahil ito ang mas higit na nangangailangan ng iyong atensyon.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER  ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay.  Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.