Abante Tonite Interactive

Biniling lupa inaangkin ng iba

0 297

Dear Atty. Claire,

Good pm po Atty. Claire. Ako po pala si John, hingi sana ako ng advise regarding sa lupa.

Meron po kasi ako nabili na lupa pero wala po title dito sa GMA, Cavite mga 250 square meter 3 years ago na po. ­Pinatayuan ko na po ng bahay, ­ngayon po may ­dumating na mga guard at ­nag-claim na sa amo raw nila ang lupa na aming ­tinitirhan.

May dala po silang baril at pinagbawalan na po kami na magpasok ng mga ­material para sa pagpagawa o ­repair ng bahay.

Ang dala po nila na titulo ay Onofre Banson Sr. nakapa­ngalan at sa permit nila Monark naman nakalagay kasi mga anak daw po ni Onofre Banson ang may-ari ng Monark.

Ang tanong ko po ­Attorney, ano ang ­puwede naming ikaso sa kanila?
Maraming salamat po sayo ma’am!

John

Dear Mr. John,

Hindi ako nangu­ngunsinte ng mga informal settler na ayaw umalis sa lupa na pag-aari ng pribadong tao. Pero sa sitwasyon n’yo na nasabi ninyong nabili ninyo ang lupa ay may karapatan kayo sa lupa na tinitirhan ninyo.

Sabihin man ­natin na hindi valid ang pagkakabili ninyo sa lupa, hindi ito ­dahilan ng mga armadong ­la­laki na manakot sa inyo at hindi kayo ­papasukin sa lugar ninyo. Kung nais nilang ­paalisin kayo ay dapat na magsampa siya ng kaso at magsampa ng ­accion ­publiciana upang makuha niya ang ­possession ng property.

Dapat ka nang ­pumunta sa ­barangay para magsumbong ng pananakot mula sa mga armadong ­kalalakihan. Matapos niyan ay ­magpunta ka na rin sa PNP na may sakop sa inyo upang makapagsampa ka na ng kaso laban sa mga kalalakihan na ito na nananakot sa inyo.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8-9220245 o 8-5142143 o mag-email sa ­attorneyclaire@gmail.com.