Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Biniling van ayaw umandar

0 113

Dear Atty. Claire,

Good day . I would like to seek some advice po. Last time po kasi bumili kmi ng 2nd hand na van tapos po ng iuwi na namin biglang tumirik tapos napaandar po ulit . Kinabukasan ay hindi na naman po umandar hanggang sabi ng may-ari ay imposible daw. Patignan daw at baka yung sa switch lang po. Umandar umandar ulit since sabi nila tested sa long drive. Pagdating po namin Tarlac namatay na naman po. Worse, di na po talaga gumana hanggang tignan po ng mga mekaniko at ang sabi ay lahat na po pala ay may tama na. Kumbaga ginawan na lang ng may ari para umandar at mabenta. Nakikipag ugnayan po kami sa kanila pero matigas po sila.Ano po pwede namin gawin may habol po ba kami?

Salamat po,

Mhel

Mr. Mhel,

Ang lahat ng nagbebenta ay dapat na nagbibigay ng warranty sa kanilang ibinebenta. Dapat nilang i assure ang kanilang mga buyer na nasa tama at good condition ang mga gamit na kanilang ibebenta dahil kung walang ganitong klaseng condition ay marami ng kababayan natin ang naloko at maloloko. Ngunit may mga pagkakataon na sa isang kontrata ng bentahan ay nakalagay na “as is where is” na ang ibig sabihin ay kung ano ang nakita mong kondisyon at kalagayan ng binili ay hanggang doon lang ang pananagutan nila. Halimbawa nito ay ang mga pinapasubastang gamit o lupa.

Kung wala naman kayong usapan tungkol sa as is where is basis ay may pananagutan sila sa sirang gamit na kanilang binenta dahil mapapatunayan mo na halong panloloko ang kanilang ginawa. Maaari mo silang ireklamo para pawalang bisa ang bentahan at samahan mo ng hiling para sa karadagdagang danyos o damages na iyong natal tulad ng moral damages dahil sa sakit ng ulo at hindi mapagkatulog na dinulot ng sirang sasakyan at iba pang danyos.

Ngunit kung ang nagbenta ay mapapatunayan mo na manloloko ay maaari mong sampahan ng kaso sa ilalim ng Revised Penal Code na “Other deceits”.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o magemail sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.