Abante Tonite Interactive

Binoga sa wetpaks

140

Nasapul sa wetpaks ang isang helper ng junk shop matapos barilin ng nakasuntukan sa San Andres Bukid, Maynila kahapon.

Kinilala ni PO3 Do­minic De Jesus ang biktimang si Nikko Yson, 20, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) ng 1661 Estrada St., San ­Andres Bukid, Maynila na tinamaan ng bala ng ­hindi pa madeterminang kalibre ng baril sa puwet.

Naganap umano ang insidente sa junk shop na pinagtatrabahuhan ng biktima sa may San Andres Bukid, Maynila dakong alas-otso ng umaga habang tumakas naman ang suspek na si Mel Mariz Patdu, 23, miyembro ng ‘Bahala na Gang’ at residente ng 2525 Onyx St., San Andres Bukid, Maynila.

Bago ang ­insidente, nagluluto umano ang biktima sa junk shop ng pumasok ang suspek at hinahanap ang kanyang amo, na sinagot ng biktima na wala pa at habang nagsasalita ay sinuntok siya ng suspek kaya ­gumanti ang biktima at ­nagkasuntukan.

Nang matapos ang suntukan ay umalis ang suspek at pagbalik ay armado na at binaril ang biktima sa puwet.