Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binondo beauty store uulanin ng kaso

0 243

May suhestiyon ni Senador Panfilo Lacson sa may-ari ng kontrobersiyal na Chinese beauty product kung saan inilagay nito sa label ng probinsya ng China ang capital ng Pilipinas.

Ayon kay Lacson, mas mainam aniyang ipakaladkad na lang ang mga may-ari ng naturang produkto sa jet ski mula Manila Bay hanggang sa kahabaan ng estero sa Binondo.

“Why don’t we gas up our jet ski boats and all together ram that goddamn beauty product company which tagged Manila as a province of China, starting from Manila Bay all the way to Binondo Estero?” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter account.

SM food to go Banner Ad

“Better if the owners are inside,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay kumalat sa social media ang mga litrato ng “Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair” na nagsasaad na probinsya ng China ang Maynila.

Nakasaad sa produkto ang manufacturing address nito na “707 Sto. Cristo St. San Nicolas, Manila Province, P.R. China. MADE IN P.R.C.”

Matatandaan na noong 2018, nagbiro si Pangulong Rodrigo Duterte na probinsya na ng Tsina ang Pilipinas habang kaharap mismo si Chinese Ambassador Zhao Jianhua. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.