Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binuking ni Martin: Gary nanligaw kay Pops

0 401

Hindi lang pala sa career naging magkaribal sina Gary Valenciano and Martin Nievera kungdi sa babae rin at ito ay walang iba kungdi si Pops Fernandez.

Pareho itong inamin nina Gary and Martin sa bagong online show ni Jaya na CSTV Straight Talk. May segment sa naturang show called Trulili or Withcikels kung saan ay sasabihin nila kung “trulili (true)” or “withcikels (not true)” ang mga infos na sasabihin ni Jaya and one of them was “nagkagusto sa same girl.”

Si Gary V. ang sumagot ng “trulili” and revealed, “I had a crush on Pops Fernandez, ‘yun pala, in-love na pala siya kay Pops Fernandez, ‘di naman niya sinasabi sa akin. Ano ba ‘yan?”

Paliwanag naman ni Martin, “that time, we were just friends,” at ibinukong nanligaw nga si Gary kay Pops nang panahong iyon.

“She (Pops) would talk to me about all her suitors and you were one of them. You were the best dancer of them all.”

Tila sarcastic namang sagot ni Gary, “how exciting naman.”

Dagdag pa ni Martin, “Pops and I were the best of friends. I mean, really, a guy and a girl could be friends. We hit it off so well. But, yeah, it’s true, if you wanna say there was one common girl, there she is.”

Biglang enter sa frame ang asawa ni Gary na si Angeli Pangilinan at nag-make-face.

Kaya bawi ni Martin, “and then came, Angeli and we both fell in love with her, too.”

Tawa naman nang tawa si Jaya.

Ngayon daw ay in-love na naman sila sa isang babae at ito ay si Lea Salonga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.