Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Binulungang pumatay, hipag binalisong

0 54

“UBOS ng lahi mo. Ubusin mo na lahat. Patayin mo siya”

Ito umano ang mga katagang narinig ng isang 30-anyos na construction worker bago nito pagsasaksakin ng balisong at napatay ang kanyang hipag na mahimbing na natutulog sa Maragondon, Cavite.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Jaymie Flores, 16, habang hawak na ng pulisya ang suspek na si Ricky Andallion, kapwa taga-Brgy Pantihan 4, Maragondon, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Rolando Periodico Jr., ng Maragondon Municipal Police Station, alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang maalimpungatan ang suspek nang umano’y may mga boses siyang naririnig at sinasabing “ubos na ang lahi mo, ubusin mo na lahat. Patayin mo siya”.

At tila wala sa sarili, kinuha nito ang isang balisong at pinagsasaksak ang hipag.

Ayon sa imbestigador, inamin ng suspek na may bumubulong umano sa kanyanng pumatay. Gayuman ay matino umano itong kausap.

Isasailalim din ang suspek sa medical examination upang malaman kung may sakit ito sa pag-iisip. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.