Abante Tonite Interactive

Binulungang pumatay, nanaga ng magkapatid

By
932

Isang lalaki na may naririnig umanong bumubulong sa kanya para pumatay ang inaresto ng mga pulis matapos pagtatagain ng jungle bolo ang isang magkapatid na nakasalubong niya sa kanilang lugar sa Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City kamakalawa nang hapon.

Sa ulat ng Valenzuela Police, pasado alas-singko nang hapon habang nag­lalakad ang magkapatid na sina William at Archie Tolentino nang masalubong nila ang suspek na si Gerardo Cagampang, nasa hustong gulang.

Bigla na lamang inilabas ng suspek ang isang jungle bolo at pinagtataga nito ang magkapatid.

Tinamaan sa ulo at dibdib si William na agaran nitong ikinamatay habang sa katawan naman ang tama ni Archie na agad din naisugod sa Valenzuela City Medical Center kung saan nasa kritikal na kondisyon ito.

Hindi umubra ang alibi ng suspek na may bumubulong sa kanya para pumatay at ikinulong pa rin ito saka kinasuhan ng murder at attempted murder. (Cherk Balagtas)