Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Binyag’ kay LaMelo sinira ni Matt, Nets

0 188

Diniskaril ng Toronto ang season debut ni LaMelo Ball sa Charlotte.

Pinasalubungan ng Raptors ng 111-100 loss ang dumayong Hornets Sabado ng gabi.

Pasabog ng 16 points si second-year guard Matt Thomas para pangunahan ang season debut ng 2019 champion Toronto. May 13 pa si Terence Davis at 11 kay OG Anunoby.

Tinipid sa 20 minutes si Pascal Siakam at nagsumite ng 9 points, 3 rebouunds at 3 assists sa Raptors.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Off the bench si Ball, third pick overall ng Hornets noong nakaraan, hindi pumasok sa scoreboard sa 0 of 5 shooting, may 4 turnovers pa. Pero bumawi siya sa ibinabang 10 rebounds at 4 assists.

Nakita ang passing ability ni Ball kabilang ang isang no-look, behind-the-back assist habang puma-fastbreak. May pinakawalan pa siyang full-court outlet pass.

Wala mang puntos, nakita naman ang husay ni Ball bilang facilitator at entertainer.

Pre-season pa lang naman, pero promising ang sa rebounding department si Ball na sa taas na 6-foot-7 ay kumalawit ng double digits. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.