Abante Tonite Interactive

Binyag ng baby nina Bossing-Poleng piling-pili ang mga bisita

By
31

MALIBAN kay Ruby Rodriguez at sa kanyang mga anak, wala nang iba pang showbiz persona­lities na dumalo sa binyag ng anak nina Vic ­Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria Luna-­Sotto last Sunday.

Makikita sa group photo na pinost ni Pauleen na puro family members lang, si Direk Bibeth Orteza, at Ruby, ang kasama nila sa harap ng altar.

Pero siyempre, nan­du’n din sina Senator Tito at ang misis na si Ms. Helen Gamboa, pati na si Val Sotto.

Sa isang photo naman ay nandoon sa table ang isa sa mga big bosses ng Eat Bulaga na si Jenny Ferre.

Siyempre, present din ang parents ni ­Pauleen, pati ang kanyang brother. May photo rin na kasama ang mga anak ni Bossing na sina Vico (anak ni Coney Reyes), Paulina (anak ni Angela Luz) kasama ang mister nito, sina Oyo (anak ni Dina Bonnevie) kasama ang misis nitong si Christine Hermosa at ang apat nilang tsikiting.

Malinaw sa caption ni Pauleen na piling-pili lang talaga ang godparents ng kanilang anak.

“Today, our little angel got baptized! Same place where we exchanged I do’s too! Thank you to her ninongs and ninangs for accepting. We are confident that with you around to guide her, she will grow to be a good girl.

“Thank you also tour immediate family for joining us today! And as always thank you Father Jeff for blessing our little girl.”

Sa isa pang posting ni Pauleen na close up at natutulog ang anak niya, makikita nga na kamukhang-kamukha niya ang baby.

Makikita rin sa photo ang kaligayahan sa mukha ni Bossing, na busy rin ngayon sa promo ng Meant To Beh, na palabas na simula December 25.