Abante Tonite Interactive

Binyag ni Baby Talitha secret na secret

By
15

MAMAYA kaya sa presscon ng Meant to Beh nina Vic Sotto at Dawn Zulueta, sasagutin ni Bossing Vic kung kailan na ang binyag ni Baby Talitha nila ni Pauleen Luna?

Nabanggit na sa amin ni Pauleen kung kailan, pero nakiusap siyang huwag munang isulat dahil sobrang intimate event lang daw ito.

Pamilya at close friends lang talaga ang imbitado na malamang mga EB Dabarkads lang sila.

Apat na pares lang daw ang ninong at ninang pero hindi na niya binanggit kung sino.

Ang sure lang dito ang kapatid niyang si Miki Luna, at ilan sa close friends nila sa Eat Bulaga.

Duda namin kasama sina Alden Richards at Ruby Rodriguez na close sa mag-asawa.