Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BIR atras sa 25% tax ng mga private school

0 67

Inatras na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang plano nitong singilin ng mas mataas na buwis ang mga paaralan sa ilalim ng Revenue Regulation No. 5-2021 na inilabas noong Abril.

Pinirmahan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang Revenue Regulation No. 14-2021 na nagsuspinde ng implementasyon ng RR No. 5-2021 para lamang sa mga paaralan o proprietary educational institution noong Martes sa rekomendasyon ni BIR Commissioner Caesar Dulay na epektibo kaagad.

Si Dominguez rin ang pumirma ng RR 5-2021 sa rekomendasyon din ni Dulay noong Abril 7, 2021 na magpapataw ng 25% na buwis sa mga private school kahit pa nalugi ang marami sa mga ito dahil sa pandemya.

Sabi ni Dominguez sa RR 14-2021, ipagpapaliban ang paniningil ng 25% tax sa mga private school hanggang makapagpasa ang Kongreso ng batas na maglilinaw kung ipapataw ba o hindi ang 25% na buwis sa kanila lalo na’t may mga panukala na para dito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.