Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BIR binawi taas-buwis sa mga private school

0 66

Pinasalamatan ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagbawi nito ng kautusan na itaas sa 25% ang buwis na ipinapataw sa mga pribadong eskuwelahan.

Ayon kay Rodriguez, ipinalabas ni BIR Commissioner Caesar Dulay ang Revenue Memorandum Circular 76-2021 kung saan nakasaad na sisingilin ng 1% income tax rate ang mga pribadong paaralan mula Hulyo 1, 2020 hanggang Hunyo 30, 2023, at ibabalik ang ipinapataw na buwis sa 10% pagkatapos.

Ang RMC No. 76-2021 ay nag-aamyenda sa RMC 5-2021 na ipinalabas noong Abril 8 bilang bahagi ng pagpapatupad sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The prompt correction by Commissioner Dulay will prevent the closure of more colleges and universities and other educational institutions, which are already suffering from lower enrollment and financial difficulties due to the Covid-19 pandemic,” sabi ni Rodriguez.

Maiiwasan din umano ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa eskuwelahan dahil sa ginawang pagtatama ng BIR.

Nauna ng naghain si Rodriguez ng panukala upang linawin sa CREATE Law ang buwis na ipapataw sa mga pribadong eskuwelahan. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.