Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BIR Chief ni BBM puntirya mga vlogger

0 84

Nangako si incoming Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Lilia Guillermo na hahabulin niya sa buwis ang mga vlogger at influencer.

“‘Yung bagong sinasabi ninyong online, mga negosyo online, we will process big data using innovative solutions. Maraming nagsasabi na hindi nata-tax ang mga negosyo online, sa Facebook… ia-analyze namin kung ilan ang followers niya, we can compute, you should be paying taxes,” pahayag ni Guillermo.

Maliban dito, balak din umano ni Guillermo na i-lifestyle check ang mga social media influencer.

“Marami rin nakikitang citizens ang tataas ng lifestyle nila, yet kung compare mo taxes na binabayaran nila, ma-question mo rin: Bakit ang dami mo properties? Display mo pa nga,” ayon pa kay Guillermo.

Kaya hinimok niya ang mga influencer na magparehistro, mag-isyu ng mga resibo at magbayad ng wastong buwis.

Gagamitin umano niya ang mga karanasan niya bilang statistician, IT professional at karanasan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para pagbutihin pa ang pangongolekta ng buwis. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.