Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BIR, FDA binuro buwis sa soft drink

0 91

Mahaharap sa imbestigasyon ng isang komite sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Food and Drug Administration (FDA) dahil sa kabiguan umano ng mga ito na ipatupad ng maayos ang probisyon sa batas hinggil sa pagpapataw ng buwis sa soft drinks.

Nabatid na bigo umano ang dalawang ahensya na ipatupad ang probisyon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o TRAIN Law, partikular ang pagbubuwis sa mga sugar-sweetened beveverage, gayundin ang pag-disburse ng kikitain mula rito sa mga dapat na tumanggap o makinabang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing, vice chairperson ng House committee on ways and means, gagawin ang pagdinig sa darating na Martes, Disyembre 1.

“I requested for Commissioner Caesar Dulay of BIR, and Director General Rolando Enrique Domingo of FDA. I will be on top of this for their failure to implement the law effectively. Pinaghirapan ko ito tapos palpak ang implementation,” ayon kay Suansing na isa sa may-akda ng TRAIN LAW.

Kailangan umanong i-update ng BIR at FDA ang Kamara sa status ng pagpapatupad ng TRAIN LAW na inaprubahan noong Disyembre 2017 bilang pauna sa limang package ng tax reform program ni Pangulong Rodrigo Duterte.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.