Abante Tonite Interactive

BIR, Pagcor bulag-bulagan sa illegal POGO

590

Iginiit ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong na balasahin ang mga task force ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na nagmo-monitor sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil sa pagbubulag-bulagan makaraang malusutan ng mahigit 180 illegal gaming hub na nag-o-operate sa bansa.

Reaksyon ito ni Ong, vice chairman ng House Committee on Games and Amusement makaraang aminin ni Pagcor vice president Jose Marie Tria Jr. na nasa 187 gaming hub ang iligal na nag-o-operate sa kasalukuyan gayong 61 ang gaming hub na lisensyado ng gobyerno.

Ayon kay Ong, dapat ireporma ang task force at gawing isang organisadong ahensya na tututok sa bawat aktibidad ng mga POGO.

Sa kasalukuyan, 2 task force ang nakatutok sa POGO na patunay umanong walang koordinasyon ang 2 nabanggit na grupo dahil sa pamamayagpag ng mga illegal gaming hub sa bansa.

“Dalawa ‘yung task force and kalat-kalat (sila),” sabi ni Ong.

Kinalampag ni Deputy Speaker Prospero Pichay sa hearing ang Pagcor dahil sa kalawan ng aksyon sa isyu na sinagot naman ni Tria na hirap silang bantayan ang POGO dahil nakatago ito sa mga residential area sa National Capital Region.

“These illegally operating sites are small sites. They even operate inside houses only,” katwiran pa nito.

POGO ban pinag-iisipan
Samantala, binunyag ni Senador Win Gatchalian na pinag-iisipan ng Senado na ipa­sara ang lahat ng POGO dahil pinamumugaran ito ng mga criminal syundicate.

“What’s the point? Why do we have an industry that we are not gaining anything? The gainers here are the criminal syndicates which we don’t want. We want legitimate businessman who pay the right tazed and who will not commit crimes,” sabi pa ni Gatchalian.

Aniya, nabago ang kanyang paniniwala sa mga POGO dahil sa pagbubulag-bulagan ng Pagcor at BIR sa mga iligal na operasyon nito.

Kung sakali umanong mapapasara ang POGO kailangang matiyak na wala itong epek­to sa ekonomiya ng bansa.

“I’m very confident because I talked to our regulator, Bangko Sentral (BSP), and they are very confident that if POGO disappears, pro­perty industry will not be affected. Jobs will not dramatically be affected.

The only negative impact will be Pagcor because they are the one handling the franchise tax. But I think Pagcor can offset that with other industries. But crimes are non-negotiable. We don’t want to see a society living in fear where everyone is in fear not only Filipinos but also fellow Chinese who come here to honestly work. So we don’t want to live in fear,” sabi pa ni Gatchalian. (JC Cahinhinan)