Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BIR sinuko Pharmally tax record sa Senado

0 145

Isinumite na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Senado ang 23 tax record na may kaugnayan sa Pharmally Pharmaceutical Corporation at iba pang mga ginastos para labanan ang COVID-19 pandemya noong nakaraang taon.

Sa pahayag ng BIR kahapon, ibinigay na nila sa tanggapan ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang mga tax record at hiniling ng ahensiya na magkaroon ng executive session o pagdinig na hindi bukas sa publiko kapag binulatlat ang mga dokumento.

Ang mga isinumiteng tax record ay kabilang sa mga dokumento na sinubpoena ng Senado kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa mga biniling medical supply ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) para sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Sinabi pa ng NBI na binubusisi na nito ang mga binayarang buwis kaugnay sa mga gastusin para sa COVID noong nakaraang taon. Bumuo na rin umano ng task force ang ahensiya para sa mas mabilis na koordinasyon tungkol dito.

Ayon sa BIR, Disyembre 1 nila isinumite kay Sotto ang mga dokumento at ito ay para sa executive session na hinihiling ng ahensiya.

Sa executive session, tanging mga senador at ang resource person lamang ang dumadalo at hindi dapat basta isinisiwalat ang napag-uusapan doon.

“As long as it is within our powers and jurisdiction as mandated under the Tax Code, we, at the BIR will cooperate with the senate in its investigation about the alleged anomalous government procurement deals for the country’s COVID-19 response,” sabi ni BIR Commissioner Caesar Dulay kahapon.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.