Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BIR tinanggal 5 taong bisa ng mga resibo

0 88

Naglabas ng bagong kautusan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan tinatanggal na ang limang taong limitasyon sa bisa ng mga resibo at invoice.

Ayon sa Revenue Regulation no. 6-2022, nagkakaroon ng problema ang mga negosyo at taxpayer dahil kada limang taon ay mag-iimprenta uli ng mga bagong resibo at invoice.

Saad sa regulasyon, ang nakasulat na: “THIS INVOICE/RECEIPT SHALL BE VALID FOR FIVE (5) YEARS FROM THE DATE OF THE PERMIT TO USE” at ang “Valid Until” ay puwede nang alisin sa mga resibo at invoice.

Samantala, para naman sa mga authority to print (ATP) na resibo at invoice, tatanggalin na ang mga naka-imprentang: “THIS INVOICE/RECEIPT SHALL BE VALID FOR FIVE (5) YEARS FROM THE DATE OF THE ATP” at ang “Valid Until (mm/dd/yyyy)”. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.