Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bira ni Galang nag-trending

0 133

Walang prenong tumirada si ace skipper Victonara ‘Ara’ Galang ng F2 Logistics kay NorthPort player Robert Lee Bolick Jr. nang i-post sa Instagram ng huli ang kanyang pinaghihinalaang bagong kasintahan.

Sa social media, dinepensahan ni Galang ang walong taon nang kasintahan ng basketbolista na si Abegail ‘Aby’ Maraño na nag-trending sa Twitter Lunes.

“Ul*l G*go ka!” anang incoming Premier Volleyball League player sa larawan na ibinahagi ni Bolick sa IG kasama ang bebot na kinalaunan ay binura rin.

Kahit ang kapatid ng cager na si Connie Bolick kumampi rin kay Maraño. “The only sis in law we need.” (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.