Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bird flu napasa na sa tao

0 307

Nagtala ang China ng unang human case ng H10N3 bird flu.

Ayon sa Hindustan Times report, na-detect ito sa eastern Chinese province ng Jiangsu, na kinumpirma ng national health commission nitong Martes.

SM food to go Banner Ad

Isang lalaking edad 41 at nakatira sa Zhenjiang, isang lungsod sa silangang bahagi ng Jiangsu, ang nagpositibo sa bird flu.

Nagsagawa ang Chinese Centre for Disease Control and Prevention ng genome sequence sa blood sample ng pasyente noong nakaraang linggo at nakumpirmang tinamaan ito ng H10N3 strain.

Natagpuan na ang mga close contact ng pasyente at kasalukuyang inoobserbahan ang mga ito. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.