Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bird flu sa `Pinas humupa na

0 221

Wala pang insidente uli ng avian influenza o A1 H5N6 sa Jaen, Nueva Ecija simula nang ipapatay ang mga manok at pugo na nasa loob ng isang kilometro ang layo sa lugar na unang natagpuan nito noong March 13, 2020.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nakipag-ugnayan sila sa provincial at municipal government at mga beterinaryo sa lugar para maagapan at maawat ang pagkalat ng avian influenza at hindi na maperwisyo pa ang mga nag-aalaga ng manok sa lugar.

Sa huling ulat ng Bureau of Animal Industry sa World Organization for Animal Health noong July 16, sinabi ng ahensya na 90 araw nang walang kaso ng avian flu simula nang maglinis at mag-disinfect ang mga apektadong lugar.

Subalit masyado pa umanong maaga para sabihing ligtas na sa bird flu ang bansa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.