Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bird flu task force pinakilos ng IATF

0 235

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na muling pagbuhay sa National Avian Influenza Task Force dahil sa napaulat na bird flu sa isang poultry farm sa Pampanga.

Batay sa Resolution No. 60 na inilabas ng IATF nitong July 30, 2020, inatasan ang Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na magtulungan para tutukan at mabantayan ang posibleng pagkalat ng bird flu.

Inatasan ang mga nabanggit na kagawaran para makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal upang paigtingin ang monitoring at surveillance at i-report agad ang posibleng epekto ng bird flu sa tao.

Kasabay nito, inatasan ng IATF ang DA na maglunsad ng information campaign na ligtas ang karne ng manok at itlog sa harap ng napaulat na pagkakaroon ng bird flu sa isang lugar sa Central Luzon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.