Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Birdie iligal na binenta, 2 nalambat

0 254

Naaresto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang katao na iligal na nagbebenta online ng endangered na ibon.

Kinilala ng DENR Environmental Protection and Enforcement Task Force (EPETF) ang naaresto na sina Rendel Santos, 21 at Alvin Santos, 48 na pinosasan dahil sa illegal possession at pagbebenta ng dalawang umbrella cockatoo sa Barangay Pagala, Baliuag, Bulacan kamakailan.

Ayon kay Secretary Roy Cimatu, ang pagkakaaresto sa dalawang suspek ay bahagi ng pangako ng DENR na mapangalagaan ang “specific terrestrial and marine areas representative of the Philippine natural and cultural heritage for present and future generations” kahit nasa gitna ng pandemya.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa DENR-Community Environment and Natural Resources Office sa Baliuag, Bulacan, hindi inisyuhan ng permit ang mga suspek para makapagbiyahe ng cockatoos.

Ang umbrella cockatoos ay nakalista sa Appendix II ng Convention of International Trade in Endangered Species (CITES) na nangangahulugan na ang species na ito ay hindi nanganganib ng extinction ngunit maaaring magkaganoon kapag hindi malimitahan ang pagbebenta upang maprotektahan ang kanilang lahi.

Sasampahan ng kasong kriminal ang mga suspek para sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Protection and Conservation Act. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.