Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Birthday boy binoga ng pulis

0 187

Bala ang iniregalo ng isang pulis sa isang lalaking nagdiriwang ng kaarawan sa Cabuyao, Laguna noong Huwebes ng gabi na nagresulta sa kamatayan nito.

Sa report, tinamaan sa ulo ang biktima na nakaalitan ng pulis.

Kinilala ang suspek na Police Corporal Kirk Ilagan, na nakuhanan pa ng CCTV camera ang ginawang pamamaril sa biktimang si Bryan Ian Perez.

Bukod sa biktima, binaril din ng pulis ang kainuman ng biktima na nagtago sa ilalim ng lamesa habang ang iba ay nagtakbuhan.

Samantala, dinakip sa follow-up operation ng Cabuyao Police si Ilagan, na nakatalaga bilang Intelligence Officer ng Cabuyao Police.

Lumitaw sa imbestigasyon na kamakalawa ng gabi, nagkasagutan ang suspek at biktima nang magtagpo sa banyo.

Sinabi ni Cabuyao Police Chief of Police Police Lieutenant Colonel Don Salisi na base sa kuwento ng suspek, nilapitan siya ng biktima saka pinagmumura.

Hindi naman matanggap ng mga kaanak ang nangyari lalo na at kaarawan ni Ilagan nangyari ang pagpatay dito.

Sinampahan na ng kasong murder ang suspek na pulis.

Giniit naman ni Salisi na hindi nila kukunsintihin ang kabaro nilang namaril ng sibilyan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.