Abante Tonite Interactive

Birthday boy nalunod sa kasagsagan ng selebrasyon

409

Nabahiran ng lungkot ang masaya sanang birthday celebration ng isang 6-anyos na totoy matapos itong malunod sa resort sa kasagsagan ng kanilang party sa Catanauan, Quezon Martes ng umaga.

Kinilala ng Catanauan police ang biktimang si Mico Dre Tesalona Batario, taga-Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Batay sa report ng pulisya, nagtungo ang pamilya sa isang private resort sa Brgy. Matandang Sabang Kanluran para sa okasyon.

Subalit aksidenteng nalunod ang bata habang naliligo sa swimming pool bandang alas-10:30 ng umaga.

Hindi umano napansin ng mga kaanak na napapunta ang bata at lumubog sa malalim na bahagi ng pool.

Isinugod pa ito sa ospital subalit idineklara na itong patay ng doktor. (Ronilo Dagos)