Abante Tonite Interactive

Birthday girl ginapang, pinapak ng 3 kainuman

503

Halinhinang ginahasa ng tatlong lalaking kaibigan ang isang 15-anyos na dalagita na nagdaos ng kanyang kaarawan matapos malasing Linggo nang madaling-araw sa Puerto Prin­cesa City sa Palawan.

Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na sina Jaime Manaay, 18; Kyle Binas Padong, 22, kapwa construction worker, at Ronald Maetom Andales, 22, mangingisda, pawang residente ng Barangay Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Puerto Princesa Police Office, nag-birthday ang biktimang itinago sa pangalang Vicky, sa beach resort noong Sabado nang gabi kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nang malasing ay nagpasya itong magpunta sa Barangay Bagong Silang, kasama ang 16-anyos na dalagitang kaibigan upang makipag-inuman naman sa mga suspek na kanya ring kaibigan.

Matapos maubos ang isang bote ng Emperador ay hindi na makagulapay sa kalasingan ang biktima kaya nakitulog na sa bahay ng isa sa mga suspek kasama ang kaibigang dalagita at magkatabi silang natulog.

Subalit alas-tres nang mada­ling-araw ay nagising na lang ang dalagitang kasama dahil sa mga mahihinang ungol at doo’y nakita na nakakubabaw si Jaime sa biktima na kapwa walang pang-ibabang saplot.

Pag-alis ni Jaime ay sumunod na pumatong sa biktima si Kyle at sinundan ni Ronald.

Pag-alis ng tatlo ay tinulungang magbihis ng saksing kaibigan ang biktima at pagkahatid sa bahay ay ipinagtapat ang sinapit ng biktima kaya nagreklamo sa pulisya at ikinadakip ng tatlo. (Edwin Balasa)