Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Birthday girl pisak sa Toyota van

0 74

Hindi na natikman pa ng 3-anyos na batang babae ang handa sa kanyang birthday cake na inihanda para sa kanya, nang masawi ito sa mismong kaarawan matapos na masagasaan ng van habang tumatawid sa kalsada sa Trece Martires City, Cavite.

Nadala pa sa Gen. Emilo Aguinaldo Hospital si ‘Angela’, ‘di tunay na pangalan, pero binawin ng buhay. Habang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng isang Toyota Hi-Ace van na si Ulysses Villardo, 54.

Sa ulat pulisya, dakong alas-4:30 Sabado ng hapon nang naganap ang insidente sa Phase 2B Road Brgy. Conchu. Naglalaro umano ang bata sa bakuran ng kanilang bahay hanggang sa napadako ito sa tricycle na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Patungo naman sa direksiyon sa bayan ng Indang ang minamanehong Hi-Ace van ng suspek nang hindi umano nito napansin ang papatawid na bata dahilan upang masagasaan nito.

“’Yung lugar kasi yun ay medyo paahon kaya hindi napansin ng driver ang pagtawid ng bata na galing sa likurang bahagi ng tricycle” ayon kay P/SSgt. Rene Bibon ng Trece Martires City Police.

Mismong ang driver din ng van ang pumulot sa biktima at dinala sa ospital subalit namatay ito habang ginagamot.

Nabatid na parehas na wala ang mga magulang ng biktima dahil nagtratrabaho sila sa Maynila at ang kapatid na babae ang nag-aalaga sa bata na may sakit din nang naganap ang aksidente. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.