Abante Tonite Interactive

Birthday ni Maine: Todo pakilig ang AlDub

PAK

304

tonite-pak-allan-diones

Ngayon ang 24th birthday ni Maine Mendoza, kaya kahapon ay may birthday celebration siya sa “Eat Bulaga.”

May pa-dance prod si Maine doon sa APT Studios at may parada na naman ng sandamakmak na birthday cakes para sa kanya.

Sa Twitter ay tatlo-tatlo ang trending hashtags kahapon na may kinalaman sa birthday girl: #Maine­StillCuteAt24, #MaineTurns24 at #Maine24th.

Siyempre, kinilig ang AlDub fans doon sa studio nang batiin ni Alden Richards ng happy birthday si Menggay sa ‘Boom’ segment ng show.

“Sisimplehan ko lang po, Mr. Boom. She really looks good wearing happy,” ang sabi ni Alden kay Vic Sotto a.k.a. Mr. Boom.

Nakangiting reaksyon ni Meng, “I’m wearing happy, Mr. Boom. Happy clothes.”

“Hindi, kita naman po. So, nandito lang ako and good luck with eve­rything,” sambit pa ni Alden kay Maine, na sinagot naman ng thank you ng birthday girl.

Obvious naman talagang masaya ngayon si Maine sa kanyang personal life.

Abang-abang ang fans today kung ano ang birthday paandar para kay Maine ng rumored boyfriend niyang si Arjo Atayde.

May romantic date kaya ang ArMaine? May pa-surprise kaya si Arjo para sa birthday girl?

Well, wait na lang natin kung may ipu-post sila sa social media. PAK!!

Maymay, Kisses nag-away sa putikan

Dating close friends sina Maymay Entrata at Kisses Delavin, na nagkatampuhan, nagkaayos at ngayon ay close na ulit at magkasama pa sa isang episode ng “Alamat ng Ano” na gawa ng Indigital Productions sa iWant.

Ang sabi ni Maymay, sa magkakaibigan ay hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng tampuhan at problema, pero sa huli, ‘pag nag-usap ulit ay babalik ang dating memo­ries at magiging okey ulit.
“Parang magkapatid lang, hindi n’yo alam na okey na pala kayo. Ganu’n po,” sey ni Maymay.
Hirit naman ni Kisses, “I agree. At saka ‘yung showbiz kasi, temporary lang naman, eh. Like for example, in five years, iba na naman ‘yung sikat, iba na naman ‘yung mga artista. So, what matters most is the friendship that stays.”

Dati nang pinagtatapat at pinagsasabong ng fans sina Maymay at Kisses, pero hindi raw sila nagdalawang-isip na tanggapin ang “Alamat ng Ano.”
Excited pa raw sila, sabi ni Maymay. Nagtsa-chat pa raw sila ni Kisses at sa shoot nila ay nag-uusap sila tungkol sa mga nag-aaway na fans nila, na hinahayaan daw nila hanggang sa ma­ging okey na ang mga ito.
Ani Kisses, hindi maiwasan ang mga rivalry na minsan ay unfair dahil may mga friendship na nasisira. Kaya matira ang matibay daw ang mga friendship ngayon.

Nura at Velma ang karak­ter nina Maymay at Kisses sa episode ng ­“Alamat ng Ano,” na ngaragan daw dahil kailangan nilang matapos sa isang buong araw. Pero masaya dahil kahit nag-aaway sila sa istorya ay comedy ito at nakaka-good vibes.

Artista sila rito pareho, na may eksenang nagsasabunutan sila at hindi raw maiwasan na nagkakatotoo.

Meron silang awayan sa putikan na kahit nagsasabunutan sila ay para raw silang naglalaro lang.

Naghampasan din sila ng palo-palo na kunwari ay masakit pero styro lang kaya tawa sila nang tawa. Nag-wrestling din daw sila na super-saya.

Actually, mala-Nora-Vilma ang dating nila dahil morena si Maymay at mestiza si Kisses. Sey ni Maymay, hindi niya kayang umiyak na sa isang mata lang gaya ni Ate Guy.

Si Kisses ay flattered dahil napanood niya raw kung gaano kagaling umarte ni Ate Vi at naiyak siya rito sa “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?”

Si Maymay ay hanga sa akting ni Ate Guy, pero iba raw si Nora at iba rin siya. Mas mataas lang daw siya nang konti sa height, pero honored daw siya na maikumpara sa aktres.

Ayon kay Kisses, hindi ma-o-offend ang Nora-Vilma fans ‘pag napanood sila bilang Nura at Velma.

Matutuwa raw ang mga ito dahil kahit may rivalry sila ay positive ang ipinakita nila.

Puwede nang i-stream ang “Alamat ng Ano” at iba pang palabas ng Indigital Productions sa digital streaming service ng ABS-CBN na iWant.

***

Sa mga naka-miss ng pilot week ng “Kara Mia,” may rerun ngayong 10:00 AM sa GMA na pinamagatang “Kara Mia: The Enchanted Beginning.”

Nu’ng Huwebes ay natuwa ang Kapuso viewers dahil lumabas na ulit sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz bilang dalagang Kara at Mia.

Na-meet na rin nila ang dalawang lalaking mauugnay sa kanila na sina Boni at Chino, na ginagampanan nina Jak Roberto at Paul Salas.