Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Birthday pinaulanan ng bala, 16-anyos tigok

0 80

Nasawi ang 16-anyos na lalaki na dumalo sa kaarawan ng anak-anakan ng kaibigan makaraang pasukin ng gunman at paulanan ng bala ng baril ang kanilang masayang inuman sa loob ng tahanan sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City nitong Lunes ng hatinggabi.

Ang biktimang namatay ay nakila­lang si Mico Gracia Balosa, 16-anyos, estudyante, at residente ng Alley 6, Brgy. Batasan Hills, QC, habang sugatan naman ang kaibigan niyang si John Paul De Juan, 19, binata, cons­truction worker, at naninirahan sa Bayanihan St., Sitio 3, Brgy. Batasan Hills, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-12:40 kahapon ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng biktimang si De Juan.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Nido Gevero Jr. ng CIDU, dumalo ang biktima, kasama si Raymond Villarey, sa birthday ng anak-anakan ni De Juan sa tahanan nito.

Habang nag-iinuman ang tatlo ay bigla na lamang umanong pumasok sa tahanan ang isa sa mga suspek at pinagbabaril gamit ang short firearm ang nag-iinumang mga biktima.

Agad namang nakapagtago si Villarey kaya hindi siya natamaan nang ratratin sila ng suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.