Abante Tonite Interactive

Birthday wish ni Carmi Martin: Ingatan ang furbabies ngayong tag-ulan!

301

Dear FurrEver Furriends:
Isa sa mga superhero ko ay ang HAYOP sa kagandahan na si Carmi Martin!

Kamakailan, nagdaos ng kaarawan ang sexy star at isa lamang ang kanyang wish: Sana ngayong tag-ulan ay ingatan natin ang ating doggies!

Una, huwag nating silang iwanan sa labas nang walang silong. Maaari silang mamatay sa ginaw o ‘hypothermia’. Kawawa naman kung basang-basa sila magdamag sa ulan.

Pangalawa, kailangang updated ang mga bakuna nila laban sa leptospirosis.

Maaaring kapitan ng lepto ang inyong aso kung ito ay nabasa ng tubig-baha. Nakamamatay ito, ingat lamang po!

Pangatlo, kailangan upda­ted sila sa mga gamot sa heartworm. Ang sakit na heartworm ay galing sa kagat ng la­mok. Kung hindi ito maagapan, maaaring ikamatay ito ng ating mga aso.

Pang-apat, siguraduhing malinis ang iniinom na tubig nila upang maiwasan ang mga sa­kit tulad ng gastroenteritis at diarrhea.

Panglima, kapag matamlay at walang ganang kumain ang inyong aso, dalhin agad sa vet!

Meet the ‘Abebes’

‘Abebes’ ang palayaw ni Carmi sa kanyang furbabies. Ang lahi nila ay crossbreed na Maltese Yorkie:

Mama Chloe Marie, 10 years old, super sweet ngunit mataray.

Happy Marie, 6 years old, super sweet din at mahilig manghalik.

Buchi Ann, 6 years old. Pinakamabait, malambing, at pala­ging nagbibigay ng ‘pasalubong’ tulad ng tissue o laruan.

Bella Rose, 6 years old. Naniniwala na siya ang paborito. Mahilig magpakamot ng tiyan.

Papaano napamahal sa mga aso si Carmi?

Walang hilig ang aktres sa mga aso noong una, hanggang nagka-stroke ang kanyang kapatid sa Amerika at umuwi sa Pilipinas, kasama ang asong si Chloe. Nu’ng nakilala ni Carmi ang aso, sinabi niya, “it was love at first sight.” Si Chloe ang kanyang naging unang aso.

Ngayon na apat na ang kanyang furbabies, masaya si Carmi! “Madalas kaming nag-jo-joy-ride with windows open dahil masaya ang mga Abebe doon.

Pumupunta kami sa mall o sa Tagaytay para pumas­yal at mag-merienda. For exercise, may daily mor­ning walk ang mga Abebe sa labas ng townhouse.”
Dagdag ni Carmi, “Feeling ko ‘di nila alam dogs sila because we treat them like babies. Brushing teeth every day, putting dog cologne and baby powder.

Singing lullabies and making dog stories for them to sleep. Kissing their tummies and kili-kili. Para talagang mga bata!”

Talagang napakabuting niyang furmommy! Kaya mga dog lovers, suportahan natin si Carmi sa kanyang nalalapit na mga pelikula: ‘The Panti Sisters’ at ‘Tripol Trobol’ sa Metro Manila Film Fest!