Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bisa ng COVID vaccine ‘di dapat pagkumparahin- eksperto

0 245

Kumpara sa hanay ng mga bakunang gawa ng ibang bansa, higit na pinagkatiwalaan ng Uruguay ang CoronaVac ng China matapos nitong mapatunayan na 97% itong epektibo para malabanan ang impeksyon ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon sa report ng health ministry ng Uruguay, lumitaw na nabawasan ng CoronaVac ng 57% ang impeksyong hatid ng virus at 95% itong mabisa para maiwasang ma-admit sa intensive care.

Bagamat malawakan itong ginagamit sa China at ilang bansa sa Asia, aminado ang mga eksperto na madalang na nalalatha ang hatid nitong bisa laban sa COVID-19.

Lumitaw din na 67% itong epektibo para maiwasan ang symptomatic COVID-19 at 80% na mabisa para maligtas sa kamatayan ang mga tinamaan ng virus sa Chile habang 50% itong epektibo laban sa symptomatic infection sa Brazil at mahigit na 80% naman ang naramdamang bisa ng nasabing bakuna sa mga tinamaan ng COVID-19 sa Turkey.

Sinabi pa ng health ministry ng Uruguay na ginamit nila ang CoronaVac sa 80% ng kanilang mga mamamayan habang nakalaan naman sa mga senior citizen, health worker at mga may sakit ang Pfizer-BioNTech.

Batay anila ito sa resulta ng isinagawa nilang pagbabakuna matapos ang dalawang ilang linggo sa 862,000 katao kung saan 712,000 ang tumanggap ng CoronaVac at 150,000 katao sa Pfizer.

Lumitaw sa resulta na 75% na epektibo ang Pfizer para maiwasan ang impeksyon; 99% na epektibo para maiwan ang paglala ng karamdaman na maaaring magresulta sa ICU admission at 80% na mabisa para maiwasan ang insidente ng kamatayan.

Nilinaw naman ng health ministry na hindi dapat pagkumparahin ang bisa ng dalawang bakuna.

“The results with the two vaccines are not directly comparable, as recipients of Pfizer in Uruguay fell into higher-risk categories,” giit ng ministry.

Samantala, may mga pag-aaral din anila na nagpapakita ng mga bentahe sa paggamit ng Pfizer.

Kasunod ito ng ulat na 95% naman ang pagiging mabisa nito para maiwasan ang impeksyon sa mga mamamayan ng Israel na tumanggap ng Pfizer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.