Abante Tonite Interactive

Bisaya at Ruffa, de kalidad ang mga alahas

By
7

MAHIRAP nga sigurong maging bahagi of a showbiz family, lalo na kung ang pamilyang bahagi ka ay high-profile at sought after, at ang isang perfect example nito ay ang mga Gutierrez.

Eere na ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez (season 4) sa Lunes nang 8:30 PM sa E.

Sa press payanig para sa kanilang reality TV program, halata na sina Ms. Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, mahilig sa mga de kalidad na alahas at accessories.

Mataas ang carats of the diamonds that adorned the ears and finger nails of Ruffa, pati na rin ang nagmamagandang neck accent ni Ms. Rama.

Kahit pa may issues ang magnanay, hindi pa rin tanggap ni Ms. Annabelle ang current karelasyon ni Ruffa, alam mong mahal na mahal niya ang first born at only daughter niya.

‘Yung pag-iyak niya, galing sa kaibuturan of her puso. Kahit may hindi siya gusto sa choices at decisions ni Ruffing, laging namamayani ang kanyang damdamin at pusong ina.
Si Ruffa is a true beauty queen inside and out.

Noong dramatic outburst ni Tita Annabelle, umaakting itong annoyed at first pero kitang-kita na she was maintaining her composure, trying to hold back the tears, she did not want to cry out loud.

Panalo rin ang statement niya na “Life is short so we should just all love each other more” at yung reaction niya, “It’s wonderful to know that she is that caring.”

Alam mo agad na she loves her nanay as well, hindi lang siguro sila in emotionally in sync this time.

But family is family, and blood is indeed thicker than water.

The Gutierrez men are a protective lot. Sina Eddie at Richard Gutierrez, their soothing words and presenting events as factual as possible showed na alam nila kung paano alagaan at mahalin ang mga Gutierrez women.

Richard was almost clinical, when he divulged the facts about what happened sa ate niya and Tito Eddie’s paternal presence, damang-dama during the press con, ayaw niyang humaba pa ang crying moment ni Ms. Annabelle at ayaw niya ring malagay sa peculiar situation si Ruffa.

***

May isang movie in the can si Chard, a political drama. May gagawin pa rin siyang isa pa.
In his spare time, he goes motor biking.

Proud parents sila ni Sarah Lahbati at both their faces light up kapag si Zion ang topic.

“Talkative, active at playful” ang deskripsyon nila sa kanilang three-year old tot.

Sa tanong kung susundan na ito, say ni Chard, “In one of the episodes dito sa It Takes Gutz, mapapanood ang discussion namin about it.”

Ganda-gandahan ang vibe ni Lahbati na pangabog ang red dress.

***

Gandara rin ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice. May artista aspirations ang dalawa.

Pero ang gusto ni Ruffa, “I want to give them the best education. ‘Yung showbiz siguro, they can do it during summer or school breaks.

“I just want them to enjoy being young and their youth.”

***

Si Raymond pala ang may pagkaka-kuripot.

Binuking-buking ito ni Richard pero generous ito sa kanyang mga pamang­king sina Lorin at Venice.

‘Yun lang, ang genero­sity ni Mond takes years to happen pero panalo ang kanyang pagiging tito dearest.

Ang daughters ni Ruffa, panalo ang mga twang. Very pang-New Yorker. Wagi.