Abante Tonite Interactive

Bise alkalde kinasuhan ng San Pascual, Batangas mayor

300

Pormal nang sinampahan ni San Pascual, Batangas Mayor Roanna Conti ang kanyang bise alkalde na nagreklamo sa Office of The Ombudsman dahil hindi daw kasi nagpaalam sa kanya na magbabakasyon ito sa Amerika nang walang travel authority.

Nahaharap ngayon sa Ombudsman ng kasong graft si Vice Mayor Antonio Dimayuga, ang dating alkalde ng munisipalidad.
Sa kanyang petisyon, sinabi ni Conti na nilabag ni Dimayuga ang Section 3, Republic Act 3019, o mas tinatawag na “Anti Corrupt and Practices Act.”

Bukod sa corruption char­ges, nahaharap rin si Dimayuga sa kasong “gross neglect of duty” at “conduct prejudicial to the best interest of service.”

May anim na iba pa na kinasuhan si Mayor Conti sa Office of the Ombudsman.

Kinilala sila na sina Roumel Agui­la, Dennis Panopio, Lanifel Manalo, Juanchito Chavez, Ramel Fernandez, at Reyshanne Joy Marquez, lahat ay pawang miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Pascual, Batangas.

Sa media interview matapos magsampa ng reklamo sa Ombudsman laban kay Dimayuga at sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan kung saan sinabi nitong nag-withhold sila ng pagpasa sa 2019 Municipal Budget.

Ipinakita rin ni Mayor Conti ang authenticated at signed documents ng kanyang travel na may permiso ng gobernador.
“Perhaps it is only Mr. Dimayuga who is unaware of my authority to travel and leave, as approved by Governor Hermilando I. Mandanas,” sinabi ni Conti.