Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bishop Blue may ibubuga

0 210

May 11 tigasing kabayo ang nagpahayag ng intensiyong tumakbo sa 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race sa Sabado sa pista ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Anuman ang kalabasan ng mga kalahok, inaasahang magandang bakbakan ang masisilayan ng mga karerista.

Kanya-kanyang opinyon na rin ang mga tiyempista sa karerahan, ilan ang nagsasabing lamang si Bishop Blue sa labanan, at ang iba naman ay sina Noon Bell at Super Shelltex ang mga napipisil.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kay Bishop Blue ako lalagay at Super Shelltex malaki tsansa nila maganda ikinikilos nila,” pahayag ni Cezar Gonzales.

Ang ibang gusting sumali ay sina After Party, Bourne Wardini, Cool Mom, Drummer Girl, La Republika, Nicole’s Favorite, Parokya ni Paolo at Radio Gaga.

Wala pang nakatokang mga hinete sa event na may distansyang 1,800 metro at suportado ng Philracom. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.