Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bishop Blue namayagpag

0 158

IPINAKITA ni Bishop Blue sa pagrenda ni RM Garcia ang husay sa paspasan upang pamayagpagan ang Three-Year-Old & Above Maiden Race Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kampanteng nagmasid muna ang class A rider at si Bishop Blue sa bandang likuran habang tangan ni Beli Bell ang bandera.

Kapanabayan ni top favorite Bishop Blue si Doctor Amorette sa paghabol sa lamang ng limang kabayo ni Beli Bell papasok ng far turn. Pero pagsapit ng rektahan parang sibat na nilampasan ng winning horse si Beli Bell at nanalo nang may apat na kabayo ang distansya.

“Napakahusay pala ng Bishop Blue, future champion yan,” bulalas ni Carlos Fermin na isang karerista.

Nakopo ni Bishop Blue ang added prize P10,000, na tinawid ang meta sa tiyempong 1 minuto at 32 segundo sa 1,400-meter race.

Pumangalawa si Beli Bell, tersero si Doctor Amorette habang pang-apat si Major Ridge sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM). (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.