Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bishop David tinalagang CBCP president

0 387

Magsisilbi si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang acting president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Itinalaga siya ni CBCP president Archbishop Romulo Valles dahil kasalukuyan itong nagpapagaling pa matapos atakehin ng mild stroke.

“He asked me to take over as acting CBCP president while he’s recuperating,” ayon kay Pablo sa panayam.

Si David ang CBCP vice president.

Lumala aniya ang mild stroke ni Valles dahil dinapuan ito ng pneumonia habang nasa ospital. Pero nakalabas na ito sa ospital at nagpapagaling na aniya ngayon sa bahay nito. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.